popsie opinionated world
ang nclex ay isang hindi birong exam
totoo ang iyong nabasang title. mahirap talaga lalo na kung tulad ko na 3 taon na nakalipas nang makagraduate at maging lesinsiyado sa propesyong nursing eh muli ulit nagaaral para lang marefresh sa dating mga subject na pinagaralan ko nung ako ay nagaaral pa. ang pakiramdam ko tuloy kahit panay ang aral ko eh walang pumapasok sa utak ko. siguro sa tuwing nageexam ako tensiyonado lang ata ako tuwing kami ay may post test. hay, para ka ring doctor pala kapag nagtrabaho ka na as nurse sa states kasi talagang dapat alam na alam mo pati ang laboratory results ng pasiyente mo na ubod ng dami. hindi tulad dito sa pilipinas na kahit siguro alam mo ang mali sa resulta ng lab test eh kapag kinontradict mo o pinangunahan mo ang doctor pwede rin nagsuggest ka lang sa pwedeng gawin treatment para sa pasyente eh magagalit sila sayo dahil ang tingin nila eh minamaliit mo ang kakayahan nila bilang doctor.
Posted at 6:52 PM | tag.lang.ng.tag review |
0 may.gusto.ka.ba.sabihin:
Post a Comment