popsie opinionated world

nang maghintay ang sanggol...

meron kaming naging pasyente na for cesarean section pero bago pa ito magawa alam na ng magasawa na may problema na talaga ang sanggol sa loob palang ng kanyang sinapupunan. na ito ay may congenital effect at sa magandang balita pinaghandaang mabuti ng magasawa ang 2 operasyong mangyayari. yun ay ang cesarean section at ang tinatawag na gastrechisis.

ang congenital effect sa bata ay ang hindi pagdevelop ng pagsara ng tiyan ng bata kaya pagkalabas sa kanya sa hiniwang tiyan ng nanay ay inilipat agad siya sa kabilang operating room para isunod ang pagsara sa tiyan ng sanggol.

nakasurvive siya at nagtagal sa nicu ng mahigit isang buwan. natuwa kami nang malaman namin na maganda ang naging development nito. pero makalipas ang ilang linggo, ito ay muling ibinalik sa ospital at ngayon ay diniretso na siya s intensive care unit sa dahilang lumubha ang kalagayan nito. siya ay minatyagang mabuti ng mga nurses ng ICU at dumating ang araw ng sabado ng dalawin siya ng kanyang ina, ang oxygen saturation niya ay nagmaintain ng 50%. ibig sabihin nito na hindi na maganda ang sirkulasyon ng oxygen nito sa katawan at ang maaaring tumutulong sa kanya para mabuhay ay gamot na lamang at mechanical ventilator na sumusuporta sa kanyang paghinga. buhay pa siya yun nga lang eh tinutulungan lang siya ng mga equipments na ito.

siguro naramdaman na ng ina na ito'y pwedeng bumigay ilang oras nalang kaya ang huling sinabi ng ina sa bata, "anak, hintayin mo lang si daddy ha? darating na yun. okay." at ito ay binantayan ng ina.

dumating ang ama ng sanggol kinahapunan na at ang sumunod na nangyari, biglang nagshoot up ng 100% ang oxygen saturation nito. ibig sabihin gumanda ang takbo ng oxygen nito sa katawan. nagkaroon ng oras ang ama na makapagsabi ng saloobin niya sa kanyang anak at ilang minuto nakalipas sadyang bumaba ng bumaba ang oxygen saturation ng sanggol at tuluyang nagpaalam.

nakakaawa ang bata dahil hindi manlang siya nagtagal sa mundong ito at hindi manlang niya naranasan ang mga bagay bagay at pangyayaring naranasan tulad ng ibang bata. isa pang maganda sa nangyari ay ang hindi pagsuko ng magasawa sa pagsalba sa buhay ng kanilang anak kahit na sila ay gumastos ng mahigit sa 500,000 pesos para sa paggaling ng sanggol. nakita namin ang effort na ipinakita nila pati ang pagmamahal na ibinuhos nila sa kanya. maswerteng bata dahil minahal siya ng sobra ng kanyang magulang.

siya'y maituturing na anghel ngayon at malamang ay palage niyang tinitignan ang kanyang mga magulang mula sa langit.

ngayon ay masaya na siya at natapos na din ang kanyang paghihirap.

baboo!

5 may.gusto.ka.ba.sabihin:

M A Y A said...

sigh... kakalungkot naman 'to. btw, saang hosp ka nagwowork?

popsiecles' world said...

hi maya!
sa las pinas doctors hospital ako work. nurse ka din ba?

M A Y A said...

yup RN ako... pero wla ako hosp exprnce (at all!)... sayang nga eh. but i know it's never to late kahit gurang na 'ko.

good luck sa nclex mo. tapos nun, USA ka na!!!! wooohooo!

M A Y A said...

ay wrong spelling: it's never too late, i mean.

popsiecles' world said...

oo nga eh.. 2 kami ng boyfriend ko na rn pero dito palang sa pinas. haha. nakakatakot kasi magexam eh. wow galing. buti ka pa nasa ibang bansa na. thanks thanks maya!

wanna.be.a.member.of.this.site

Design by Blogger Templates