popsie opinionated world

nakakapagod talaga maging nurse

oo nabasa mo nurse nga ako at ngayon napagisip isip ko bakit ba ako nagnursing. hindi na nga sapat ang sweldo, parang lahat na ng kurso at vocational course eh hawak mo din. kapag nurse ka, ganito ka:

> janitor
* kaya ko nasabing para kaming janitor kasi every month meron kaming general cleaning. kapag sinabi mong general cleaning, magi-iscoba kami ng mga dingding at magiisis ng sahig. punas dito punas doon hay grabe nakakapagod!

> mananahi
* gulat ka naging mananahi na kami. paano ba naman, pinagburda kami ng mga scrub suits na ginagamit ng doctor kasi dapat raw ang blouse at pants nito ay dapat pareho ng number. pero kapag idinadala samin ang mga nalaba na scrubsuit, hindi naman din magkakapartner ang lahat. dapat pagkadeliver ng mga ito samin, magkakapartner na dapat. hindi yang dagdag gastos pa.

> housekeeping
* oh diba sana nagHRM nalang ako tutal gagawin ko din pala toh. ang magayos ng kama ng pasyente take note: WITH STYLE tulad ng nakikita mo sa hotel.

> yaya
* kapag nakaassign ka sa mga suite rooms na station eh naranasan ko na pagbantayin ako ng nanay nung baby niya dahil may gagawin siya sa cr. siyempre hindi naman din ako makakahindi dahil kapag hindi ako sumunod, reklamo ang abot ko.

> pharmacist
* tama, pharmacist din kami kasi pati ang mga paglilista at pagbibilang ng gamot eh inatasan kaming gawin yun. kaloka diba? kaya bago kami maguwian super late na lalo na kung madaming pasyente kasi iuupdate mo pa sa logbook, bin card at folder ang mga ginamit na gamot sa shift mo. ubos oras talaga! badtrip!

> factory worker
* since sa Operating Room at Delivery Room ang area ko, asahan mong naka-cap at mask kami. yan ang tamang attire ng isang OR/DR nurse pero kapag hinaluan mo na ng OS, cherries, peanut at nasal strips making mukha na kaming factory worker. tupi dito, balot dun, factory worker ang dating na dating!

> utusan
* okay lang utusan kami kasi trabaho naman talaga namin ang kahit anong iutos samin ng doctor pero kung masyado namang kung mangalipusta ang doctor at tratuhin kami parang hindi isang rehistradong nurse eh ganun ganun nalang kami kung malit-maliitin ng mga abusar na doktor. hai!

> insomniac
* siyempre kahit gabi may pasok kami kaya minsan nararanasan ko na hindi matulog ng 24 oras. simpleng idlip di magawa minsan lalo na kung sobrang atake ng insomnia ang nararanasan ko. waah!!! kahit nga 4 o 3 oras eh okay na ang tulog gising na 21 oras sa buong araw.

> midwife
* oh diba sana meron kursong nursing midwifery (pinagisa nalang) kasi akala ko hindi ko to gagawin pero nagkamali ako. naggiging midwife din ako kapag ako'y nakaduty. kulang naman maginternal examination ako kaya lang mahirap gawin yun kasi hindi ko naman talaga naaral yun nung studyante pa ako.

haay. dapat lang talaga maging matiyaga ka sa trabahong meron. kasi kung wala ka nito, ikaw rin ang talo. kaya ako kahit siguro ayaw ko na maging isang nurse dahil yung iba nagbabakasyon kapag holiday at pag nataon ang schedule mo eh nataon sa araw na ito eh sorry ka nalang. siyempre kapag pasko at new year gusto mo kasama mo ang pamilya at mga taong mahal mo pero kung nataong na duty ka nito, eh sorry ka nalang. magpasko ka na sa ospital!

patatagan nalang ng loob toh. kaya siguro buhay pa ako sa propesyong tinahak ko dahil pasensyosa ako. nakakaloka lang kasi kung gusto mo magtrabaho sa ibang bansa dahil sa sabi nga eh malaki ang kita doon kaysa dito eh ang dami naman mga examine na dapat gawin bago ka ma-qualify na magtrabaho sa kanila.

ewan. bahala na. kung saan man ako dalhin ng propesyon kong ito eh sige nalang. hahah!

baboo!

4 may.gusto.ka.ba.sabihin:

Anonymous said...

good luck syo.

:) napadaan po from paperdoll's blog

popsiecles' world said...
This comment has been removed by the author.
popsiecles' world said...

hi joshmarie!
thanks sa pagdaan. good luck din sayo.

Technician 101 said...

Another major determinant of the registered nurse salary in Maine is the employment location of an individual. Individuals residing in Bangor earn an average annual pay of $59,320 with the highest quarter division making $70,712 and the lowest quarter division gets $49,043.
Registered Nurse Salary in ME

wanna.be.a.member.of.this.site

Design by Blogger Templates