popsie opinionated world

sadyang may mga taong nagmamagaling

oo may mga taong mahilig mag-magaling. kapag sinindak mo naman haha! tiklop! nakakatawang di-tiyak na nilalang. ako pa ang binaliktad mo? haha! hindi mo ata kilala ang binabangga mo. nagawa mo pang baliktarin ako sa chief nurse natin? ang daming witness sa mga pinagsasabi mo kahapon noh. pwede ba... huwag ka magmagaling. alam mo bang madaming hindi natuwa sa ginawa mo kahapon. another thing, don't take the credit when your team won last years presentation. ang nakapagpanalo naman talaga sa inyo nun eh dahil sa mga efforts ng mga sumayaw. ano ba ang ginawa mo during the dance? dumaan daan!!! ano ka ba!?!?! sabi mo you have judged a contest and since the LPDH presentation is a PRESENTATION you have to be flexible enough to judge each participants are to present right???? may it be musical or a dance number. My goodness!!! ano ba yang jinujudge mo lang ha??? baka talent portion ng gay contest lang. tsk tsk tsk. kawawa ka naman. ngayon magsaya ka na dahil sa lunes di ka na makakapagsaya. lilinisin ko ang pangalan ko.. hahaha!
akala mo siguro mga natuwa sila sayo? hindi noh. ang dami na nagtext sakin at binabalitaan ako na nagback out ka na raw! asan na pala yung BURNED CD and CHOREOGRAPHED songs mo? wala? ano ba naman yan. haha! pasasalamatan ka pa ba nila? eh wala ka ni isang salita. puro ka ka-echosan. kabaklaan!
tumino ka nga. kung pressured ka, mas pressured ang nagisip ng ipepresent na presentation. case presentation ba kamo? ah.. busy ka sa case presentation mo.. hmmm. onga naman. pati ba ang twilight kasama sa case presentation niyo?? ah. galing naman. vampires ba kasama sa sakit na benign prostate hypertrophy? ahahahah!! ayos ah.. nagaral ako ng nursing pero wala ako natackle na health subject na may involvement ng vampires! hahaha!
umayos ka ha! sa susunod wag ka magpakabastos kung ayaw mo bastusin din kita!

rags to rags, riches to riches

tama ba na kapag ikaw ay naghanap ng mamahalin dapat ang stado niyo sa buhay ay magkapareha. para bang kapag mahirap ka lang eh dapat  sa mahirap ka lang. kapag mayaman ka naman ay sa mayaman ka din dapat. parang kasiraan naman ata ng ulo yang paniniwalang yan... nakakatawa lang kasi sobra sobra naman ata sa paggeneralize ng mom ko na ang lahat ng lalakeng may kahirapan sa buhay eh habol lang ang pera kapag nakapanligaw at nakapasagot ng babaeng may kaya o mayaman sa pamumuhay. may mga instances naman na naggiging basehan din ang pisikal na kaanyuan tulad nalang na kapag ang babae o ang lalake ay di kagandahan o kagwapuhan tapos nakajackpot ng ubod ng ganda/guwapo na kasintahan ganun din ang sasabihin, na pera lang ang talagang gusto. nakakatawang isipin na masyadong mahalaga ang pera sa tao at kayang nilang makasira ng reputasyon ng tao dahil lang sa bagay na iyon na kapag ikinamatay mo naman eh hindi mo din naman madadala sa kabilang buhay diba? 

sa ospital namin yan ang madalas nilang sinasabi lalo na ang mga kaibigan ng nanay ko na malamang eh isa sa mga empleyado na sumisipsip sa nanay kong walang ginawa kundi ang magpapaniwala sa mga kasinungalingang sinasabi nila. 

tulad nalang nito. sabihin ba naman bang may ibang nililigawan ang boyfriend ko maliban sa pakikipagrelasyon niya sakin. o diba? para naman siyang  ta**a sa paratang na yun eh halos sa isang linggo eh 2 araw lang kami hindi nagkikita. sabi ko nalang sa yaya ko, "sige magpakita sila ng pruwebang may nililigawan siyang iba... hindi yang puro sila dakdak at kwento ng mga bagay bagay na wala naman ding pruweba sa mga paratang na ipinapataw sa boyfriend ko. 

minsan tuloy naiisip ko mainam pa ang mga taong hirap sa pera. ang pinoproblema lang ay kung paano kumita at ang makakain ng 3 beses o mahigit pa sa isang araw. taong may pera nga pero malungkot naman ang buhay. hiwalay na ang pamilya problemado ka pa sa nanay. hmph! kainis! 

minsan di ko na tuloy alam kung ano iisipin ko. sinunod ko naman lahat ng gusto niya. nag nursing ako nakapagtapos ako. sasabihin niya matanda na ako at dapat hayaan na akong matutong magdesisyon sa bawat hakbang na gusto kong tahakin pero hindi naman niya ginagawa. pati ba naman sa lovelife eh dapat niya akong pakialaman? hindi ako tulad niya noh na iisa lang ang boyfriend at yun an ama ko na ang ending eh hiwalayan. pero hindi naman ako kasing bulag tulad niya na nahuli na niyang nagloko eh still pinursige niya. saka sinong may gusto na magkaroon ng hiwalay na pamilya? siyempre wala noh! 

buti nalang kami ng boyfriend ko nagkakaintindihan kami kasi pareho kami ng karanansan. hiwalay ang pamilya at may mga kapatid din sa ama. hahaha! siyempre ang goal namin eh hindi mangyari samin ang nangyari sa pamilya namin kung sakaling nagkatuluyan kami. 

kung concerned ang nanay ko sana hindi sa paraang ginagawa nila tipong husgahan nila ang tao ng hindi manlang nila pinagbibigyang ipakita kung sino siyang talaga. nakakaawa ang nanay ko kasi nagpapaniwala siya sa mapanghusga niyang mga kaibigan. teka ilan nga ba ang mga kaibigan niya? eh kung pumunta nga siya sa ospital imbiss na batiin siya ng mga kasamahan ko sa trabaho tulad nalang ng ginagawa namin sa mga doctor na malalapit samin eh kinatatakutan pa siya. siyempre ako ang anak kaya ako ang hinaharap nila sa kanya. dapat kasi magbago siya hindi yang nagtatanong siya bakit siya iniwan ng ama ko. 

hay, hanggang kelan kaya ang kalbaryo namin ni mac sa mga taong against sa relasyon namin? yang mga echoserang tsismoso at tsismosa na yan eh malamang sinusunog na ang kaluluwa sa impyerno.. buti nga! hahaha!

basta kami going strong padin at ipapakita namin na mali sila sa mga akusasyon nila sa boyfriend ko. one day babalikan namin sila! hmph!

baboo!

wanna.be.a.member.of.this.site

Design by Blogger Templates